natingala’t, tumatagos ang paningin sa alapaap,
animo’y itim na saplot sumusukob, sumasaklob
sa balat ng sanlibutan.
mula rito’y makikita; mga panginoon at sakim,
unti-unting kinakain ng mga alagad at alipin,
dahil sa kapirasong pangarap . . .
. . . habang tumatangis ang araw, sa pagkabigla’t
pagkalungkot; sa pagsayaw na galit ni hangi’t ulan,
upang itakwil ang kamalian.
at natutunaw ang kabundukan, maging kabihasnan
umaagos sa pagmamakaawa upang maging buhay
na mga alon sa karagatan.
sila’y abot tanaw lamang mula sa kinalalagyan,
naaamoy, nararamdaman hinagpis ng kalooban
mga pusong uhaw sa pagmamahal
sila’y abot tanaw lamang mula sa kinalalagyan,
mga nakataling pag-ibig, pumipiglas, kumakawala
sa batong dibdib ng tadhana,
hangari’y makapag bigay, lubusang pagkalinga
sa mga naulila’t kinakapos na mga kaluluwa dito
sa madilim na sulok ng buwan . . .
. . . hanggang nagka EDSA na nga!
by iam
05 March 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment